ATTENTION!

Please click the ads on the RIGHT side. Thank you!

Friday, January 14, 2011

Tara na at lumibot sa Pilipinas

Cagayan
Manila






Matutong tumanggap

Sa mundong ito, mahirap kung hindi ka matututong tumanggap. Masakit pero isa itong sangkap upang mas lalo pang tumatag ang isang tao. Marami ang nagsasabing ika'y wala ng ginawang maganda. Huwag mo itong isipin. Sa halip, itatak mo sa iyong isipan na isa lamang itong pagsubok na kailangang malampasan. Ang pangungutya ng ibang tao ay daan upang mas lalo ka pang lumakas at umasenso sa hinaharap!

Friday, December 24, 2010

Friday, December 10, 2010

Ang Sakit-Sakit!

Parang tumigil bigla ang mundo ko . . .


Mahirap, hindi ko na alam ang nangyayari
Madalas nakatulala at tinatanong ang sarili
Bakit ba kasi ako nagkasakit?
Ang Diyos ba sa aki'y may galit?


Masakit ang ulo, lalamunan, at katawan
Kaligayahan ay tila kay hirap mahagkan
Nais ko lamang humiga at magpahinga
Pagkat lagnat at sipon ay nangunguna


Mainit ang pakiramdam
Ngunit bakit giniginaw?
Kaunting hangin ako'y nasusuklam
Sa aking kumot hindi ako makadungaw


Ang sakit-sakit!
Ligaya sa aki'y pinagkait
Pahingi naman ng tulong
Pati pagkatao ko'y ikinukulong


Ako'y nananalangin ng mataimtim
Inaasam ang pag-iwas sa dilim
Habang luha'y dahan-dahang umaagos
Marahil aking nasuway ang sampung utos


Kelan kaya magpapatuloy ang ikot ng aking mundo . . . ?



Tuesday, November 30, 2010

Nagdadalaga

Wag kang maarte
Daig mo pa ang bulate
Malikot na parang kiti-kiti
Nagagalit kapag nasasagi

Yan ba ang nagdadalaga?
Nakatingin maghapon sa salamin?
'Pag di nagsuklay 'di makalarga
Ate, wala naman sayong titingin

Nagpapahid ng pulbos sa mukha
Naglalagay sa labi ng pula
Mukha parin namang aligaga
O kaya'y pwede ring paa ☺☺☺

Isip bata? Isip dalaga?
Ewan ko, nagdadalaga nga
Nagpipilit magbihis matanda
May matanda bang maikli ag palda?


















"Naku! Ikaw na ang humusga!"

Mahirap na moody sila
Lahat naman dumadaan diyan
Baka may masabi pa 'kong masama
Bang! Barilin pa 'ko sa likuran :p

Wednesday, November 24, 2010

Tsug! Tsug! "Wag mong dalhin ang gatas ng anak ko!" sabi ng babaeng inspirasyon ng akdang ito

Ayan na ang tren . . .
Masakit sa tenga, nakakabingi
Para siyang may pattern
Isang pito, nagsuguran ang mga nagmamadali

Pwede bang sumiksik?
Oo, para ngang sardinas sa sikip
Katawan mo'y dinidikdik
Mag-ingat ka at baka ka mahagip

Mainit, mabaho ang loob
Pawis ni ate tulo hanggang lapag
Amoy ng hangin parang nakulob
Patagalan kung sinong matatag

Dibdib mo'y niyuyupi
Saksi ka sa palitan ng mukha
Katawan mo'y ginugulpi
Katabi mo ikaw na mamaya

Hala, sige, pasok!
Hala, sige, baka di ka na makalabas
Ingatang ika'y di matusok
Baka damit mo maiba ang tabas

Sabi ng katabi mo,
"Wag mong dalhin ang tabas ng anak ko!"
 Ha-ha-ha, napasama na sa babaeng buntis!
Sa sobrang sikip di na makatiis



Haaay . . . Nakahinga rin sa wakas
Delubyo'y natapos ng wakas
Mag-ipon ka na ng lakas
At baka bukas ay di ka na makalabas

Tsug! Tsug! Tsug!
Paalam na sa sintang tren
Bukas na uli magpabugbog
Ingat lang baka ka masubsob

Tuesday, November 16, 2010

Harurot sa Takbo para sa DRAYBER NG PATOK

Lakas trip ni PATOK drayber
Wag kang kokontra, aber!
Bayad muna bago baba
Barya lang po sa umaga

Maneho niya'y napakabilis
Pwet mo'y siguradong magkwi-kwitis
Nakikipag-unahan akala mo may sunog
Kumapit ka at baka ka mauntog

Harurot sa takbo
Paningin mo'y manlalabo
Di na makita dinadaanan
Akala mo kaliwa yun pala'y kanan

Antukin di kasali
Karerahan ito ng mga paniki
Sa sobrang lakas ng kanta
Hindi na marinig iyong para


Yes, yes, yoh! Yes, yes, yoh!
Awiting napakalakas ng tunog
Kung gusto mong tenga mo'y umusok
Halina't sumakay sa jeepney na patok!


http://www.facebook.com/home.php?#!/ashleyLucas02

Araw-araw IKAW!

Araw-araw na lang,
Puro ikaw na lang.
Wala na bang pagbabago?
Wala na ang pagkatuto.


Lubhang nakalulumbay,
Hirap na sa pagsabay.
Takbo dito, takbo doon,
Hindi alam saan paroroon.


Kasi naman lagi na lang.
Hindi na ba mapapalitan?
Araw, buwan, at taon,
Nakalimutan na ng malaon.


Lagi na lang ikaw,
Nakikita ko sa may ilaw.
Ikaw parin sa dilim,
Kahit na ang lahat ay maitim.



Hindi ka ba napapagod?
Sayo nang lahat ng sahod,
Gutom na ang kasama mo,
Uhaw na at nanlulumo.




Wala ka paring pakielam,
Ikaw lang ang may alam.
Mayabang ka siguong ipinanganak,
Lahat tumba sa isa mong tapak.


Araw-araw na lang.
Puro ikaw na lang.
Wala na bang iaasenso?
Pwede pa siguro kung si Mang Celso!

Monday, November 15, 2010

Awit ng Pusong Ulila



Lumilipad ang mga gigintong yabag
Sa daan kung saan puno ng sanga,
Hinahawi ang tinik gamit ang espada
Mairaos lamang ang pusong kumakanta.

Sa gitna ng san-tatlo ikaw ang nanguna
Ginamit ang kagitingan upang maisalba,
Yaong alay na dama para sa iyong sinisinta
Maparusahan an ng Diyos ng awa.

Haplos mula sa kamay ng isang dosena,
Walang silbi sa pusong nangungulila.
Hitik na bunga mula sa Gresya,
Anupama'y pitik lamang sa uhaw na dila.

Namumutawi ang tanan mong musika
Sa aking mga ugat na tumatalima,
Hinahangad na ikaw ay makita
Bundok man at dagat ay hindi alintana.


Puspos na halimuyak mula sa lawa,
Huni ay ngalan mo ang ginugunita.
Sundot sa napakadilim kong hawla,
Naghihintay ng liwanag mula sa iyong mukha.

Pagnanasa'y umabot na sa kaitaasan,
Ngunit tila ba ating puso'y pinagkaitan.
Dama ko ang pighati at karamdaman,
Dulot ng pag-ibig na sa atin lamang nananahan.

O irog ako'y sadyang nanghihina
Dasal kong sambit ay binalewala,
Marahil tayo'y tuluyan ng tinalikuran
Pinarusahan sa pag-ibig na hindi naman kasalanan.

Hambog at taksil nga'y pinagbibigyan,
Tayo pa kayang umibig lamang sa kariktan?
Ngayo'y humahangos ang aking pusong ulila,
Gigintong yabag pinapangarap na tuluyan ng makuha.

TENGA

Isang importanteng parte ng katawan
Labis natin itong kailangan
Gamit natin sa komunikasyon
Siyang umaani ng impormasiyon


Hinggil sa kaalaman ng iba
Ang parteng ito'y mahalaga
Kung wala nito'y kapos ang tindig
Ni huni ng ibon ay di maririnig


Patas ko ang ligayang hatid
Dulot ng parteng walang patid
Alingawngaw ay nababatid
Saan mang dako'y sinisisid


Kung masugata'y nakapanlulumo
Tila pinagkaitan ng pagkatuto
Mga tunog sa kapaligiran
Balewala pagkat walang papasukan
















Butas na maliit ay malaking handog

Sa batang musika ang alindog
Tenga lang ang makaririnig
Mata, ilong, bibig, siya ay may kakaibang kisig!