ATTENTION!

Please click the ads on the RIGHT side. Thank you!

Tuesday, November 30, 2010

Nagdadalaga

Wag kang maarte
Daig mo pa ang bulate
Malikot na parang kiti-kiti
Nagagalit kapag nasasagi

Yan ba ang nagdadalaga?
Nakatingin maghapon sa salamin?
'Pag di nagsuklay 'di makalarga
Ate, wala naman sayong titingin

Nagpapahid ng pulbos sa mukha
Naglalagay sa labi ng pula
Mukha parin namang aligaga
O kaya'y pwede ring paa ☺☺☺

Isip bata? Isip dalaga?
Ewan ko, nagdadalaga nga
Nagpipilit magbihis matanda
May matanda bang maikli ag palda?


















"Naku! Ikaw na ang humusga!"

Mahirap na moody sila
Lahat naman dumadaan diyan
Baka may masabi pa 'kong masama
Bang! Barilin pa 'ko sa likuran :p

Wednesday, November 24, 2010

Tsug! Tsug! "Wag mong dalhin ang gatas ng anak ko!" sabi ng babaeng inspirasyon ng akdang ito

Ayan na ang tren . . .
Masakit sa tenga, nakakabingi
Para siyang may pattern
Isang pito, nagsuguran ang mga nagmamadali

Pwede bang sumiksik?
Oo, para ngang sardinas sa sikip
Katawan mo'y dinidikdik
Mag-ingat ka at baka ka mahagip

Mainit, mabaho ang loob
Pawis ni ate tulo hanggang lapag
Amoy ng hangin parang nakulob
Patagalan kung sinong matatag

Dibdib mo'y niyuyupi
Saksi ka sa palitan ng mukha
Katawan mo'y ginugulpi
Katabi mo ikaw na mamaya

Hala, sige, pasok!
Hala, sige, baka di ka na makalabas
Ingatang ika'y di matusok
Baka damit mo maiba ang tabas

Sabi ng katabi mo,
"Wag mong dalhin ang tabas ng anak ko!"
 Ha-ha-ha, napasama na sa babaeng buntis!
Sa sobrang sikip di na makatiis



Haaay . . . Nakahinga rin sa wakas
Delubyo'y natapos ng wakas
Mag-ipon ka na ng lakas
At baka bukas ay di ka na makalabas

Tsug! Tsug! Tsug!
Paalam na sa sintang tren
Bukas na uli magpabugbog
Ingat lang baka ka masubsob

Tuesday, November 16, 2010

Harurot sa Takbo para sa DRAYBER NG PATOK

Lakas trip ni PATOK drayber
Wag kang kokontra, aber!
Bayad muna bago baba
Barya lang po sa umaga

Maneho niya'y napakabilis
Pwet mo'y siguradong magkwi-kwitis
Nakikipag-unahan akala mo may sunog
Kumapit ka at baka ka mauntog

Harurot sa takbo
Paningin mo'y manlalabo
Di na makita dinadaanan
Akala mo kaliwa yun pala'y kanan

Antukin di kasali
Karerahan ito ng mga paniki
Sa sobrang lakas ng kanta
Hindi na marinig iyong para


Yes, yes, yoh! Yes, yes, yoh!
Awiting napakalakas ng tunog
Kung gusto mong tenga mo'y umusok
Halina't sumakay sa jeepney na patok!


http://www.facebook.com/home.php?#!/ashleyLucas02

Araw-araw IKAW!

Araw-araw na lang,
Puro ikaw na lang.
Wala na bang pagbabago?
Wala na ang pagkatuto.


Lubhang nakalulumbay,
Hirap na sa pagsabay.
Takbo dito, takbo doon,
Hindi alam saan paroroon.


Kasi naman lagi na lang.
Hindi na ba mapapalitan?
Araw, buwan, at taon,
Nakalimutan na ng malaon.


Lagi na lang ikaw,
Nakikita ko sa may ilaw.
Ikaw parin sa dilim,
Kahit na ang lahat ay maitim.



Hindi ka ba napapagod?
Sayo nang lahat ng sahod,
Gutom na ang kasama mo,
Uhaw na at nanlulumo.




Wala ka paring pakielam,
Ikaw lang ang may alam.
Mayabang ka siguong ipinanganak,
Lahat tumba sa isa mong tapak.


Araw-araw na lang.
Puro ikaw na lang.
Wala na bang iaasenso?
Pwede pa siguro kung si Mang Celso!

Monday, November 15, 2010

Awit ng Pusong Ulila



Lumilipad ang mga gigintong yabag
Sa daan kung saan puno ng sanga,
Hinahawi ang tinik gamit ang espada
Mairaos lamang ang pusong kumakanta.

Sa gitna ng san-tatlo ikaw ang nanguna
Ginamit ang kagitingan upang maisalba,
Yaong alay na dama para sa iyong sinisinta
Maparusahan an ng Diyos ng awa.

Haplos mula sa kamay ng isang dosena,
Walang silbi sa pusong nangungulila.
Hitik na bunga mula sa Gresya,
Anupama'y pitik lamang sa uhaw na dila.

Namumutawi ang tanan mong musika
Sa aking mga ugat na tumatalima,
Hinahangad na ikaw ay makita
Bundok man at dagat ay hindi alintana.


Puspos na halimuyak mula sa lawa,
Huni ay ngalan mo ang ginugunita.
Sundot sa napakadilim kong hawla,
Naghihintay ng liwanag mula sa iyong mukha.

Pagnanasa'y umabot na sa kaitaasan,
Ngunit tila ba ating puso'y pinagkaitan.
Dama ko ang pighati at karamdaman,
Dulot ng pag-ibig na sa atin lamang nananahan.

O irog ako'y sadyang nanghihina
Dasal kong sambit ay binalewala,
Marahil tayo'y tuluyan ng tinalikuran
Pinarusahan sa pag-ibig na hindi naman kasalanan.

Hambog at taksil nga'y pinagbibigyan,
Tayo pa kayang umibig lamang sa kariktan?
Ngayo'y humahangos ang aking pusong ulila,
Gigintong yabag pinapangarap na tuluyan ng makuha.

TENGA

Isang importanteng parte ng katawan
Labis natin itong kailangan
Gamit natin sa komunikasyon
Siyang umaani ng impormasiyon


Hinggil sa kaalaman ng iba
Ang parteng ito'y mahalaga
Kung wala nito'y kapos ang tindig
Ni huni ng ibon ay di maririnig


Patas ko ang ligayang hatid
Dulot ng parteng walang patid
Alingawngaw ay nababatid
Saan mang dako'y sinisisid


Kung masugata'y nakapanlulumo
Tila pinagkaitan ng pagkatuto
Mga tunog sa kapaligiran
Balewala pagkat walang papasukan
















Butas na maliit ay malaking handog

Sa batang musika ang alindog
Tenga lang ang makaririnig
Mata, ilong, bibig, siya ay may kakaibang kisig!

Friday, November 5, 2010

Ulan

Patak. Patak. Patak.
Ulan ay di hamak
Walang muwang na bata
Naglalaro sa kalsada

Pumapatak na naman ang ulan
Isipa'y naroon na naman sa kawalan
Malamig ang kapaligiran
Nakabaluktot sa kumot ang katawan

Madilim ang kalangitan
Walang bituin at nakatago ang buwan
Habang ang sinaing ay sinisinsinan
Nakadungaw sa may bintana

Sopas ay hain sa hapagkainan
Nang kahit kaunti'y mainitan
Nanginginag na
Nakakubli sa loob ng sisidlan

Lagaslas ng tubig na walang hanggan
Dinig ang patak sa may bubungan
Hanging malakas at nananahan
Mga puno't halama'y dinuduyan

Patak. Patak. Patak.
Ulan ay tinatahak
Ng batang walang muwang
Tanging laro lamang ang alam

Kali-Wika, Pag-ibig Sayo'y Alay

Asam na kaligayahan ay hirap makamtan

Sa bawat sulok ay hitik ng kapighatian

Kalikasan ay namamatay ng dahan-dahan

At ang sintang wika ay tuluyan ng natatabunan.


Kali-Wika, ang ngalan na dapat alagaan

Si Kali para sa kalikasan

At si wika para sa wikang nananahan

Pangalang pinagsama at hindi dapat kalimutan


Habang si Kali-Wika ay nagpupumiglas

Sa kalupitan ng tao ay tuluyang makatakas

Mga abusado ay nagdiriwang ng wagas

Walang pakialam sa hatid nitong dahas


Basura'y nagkalat sa kalsadang liku-liko

Kasama ng mga botelyang noon ay pinaglagyan ng likido

Animo'y palamuti sa napakaruming mundo

Nagbubuga ng amoy na nakapanlulumong husto


Wika'y niyurakan na para bang kamatis na pinitpit

Anumang pagbangon ay hirap ng makakapit

Wikang banyaga ay tuluyan ng pumalit

Wikang noo'y wagas dusa na ang sinapit


Ano bang nararapat nating gawin?

Pabayaan na lamang bang si Kali-Wika'y liparin ng hangin,

O aalagaan natin itong parang sa atin?

Oo, yun nga! Pagmamahal ay palaganapin.

Ay. Ay? Ay!

Ako'y nalulumbay

Kamay ko'y hawak ang suklay

Di matinag na paglalakbay

Dulot ay buhok na gutay-gutay


Byaheng walang humpay

Pagod mula sa pagkampay

Anupa't putlang buhay

Sagana sa poot at away


Berde na ang kulay

Dugong dumadaloy sa kamay

Wala ng silbi ang aray

Na gumuguhit sa lapay


Upuang gulagulatay

Kaaalis lng ng tatay

Dalawang mag-kaakbay

Kala mo sila lang ang sakay


Sa bintana, susmaryosep na tulay!

Guguho na wala paring bantay

Mapanghamong anay

Walang ginawa kundi ang sumalakay


Ako'y nalulumbay

Isipan ko'y matamlay

Tila wala na ang gabay

Sa byaheng walang humpay


Kailan ba matatapos aking paglalakbay?

Nasaan na si nanay?

Ako'y unti-unting nanlulupaypay

Halika at sa aki'y umagapay.

Wednesday, November 3, 2010

Trapik na naman

Namumutawi ang dugong dumadaloy sa aking halos mapatid ng ugat

Prominenteng buto'y tila nagproprotestang tuluyan ng maiunat

Sukdulang himutok ay nakapagdulot na ng sugat

Usok ay lumitaw na sa nagkwikwits kong balat

Bente Kwatro oras ko handa ko ng ipagpalit

Matikman lamang mbulaklak na buhay at walang pait

Usad na animo'y pagong sa slow motion na galaw

Tila 'sandosenang ilaw sa nkatunganga'y ngdudulot uhaw

Ako'y nagsusumamo, nag-aasam ng himala

Na kaht paano'y berdugong gulong a umaratsada

Putok sa buhong busina'y nanggugutla

Kulang na lamng ako'y lumuhod at magmakaawa

Kailan ko ba madarama ang mabilis na pag-usad

Dahan-dahang andar ay tila unti-unting sumasadsad

Bus kong kinalululanan magkaroon ka ng awa

Laway ko'y tumulo n di ka parin lumalarga

Musika sa Bangketa

Isang bumbilya ang tanging liwanag

Mga nota ay binabasa sa hatid nitong sinag

Kinakapa ag kurdon n gitara

Maihatid lamang ang magiliw na musika

Sa paana'y naroon ang isang maliit na kahon

Lalagyan ng kwartang handog ng panahon

Mamisong salapi ay tumutumbas sa milyon

Hindi alintana ang libo-libong dimensiyon

Madungis man sa paningin

Talbo naman lahat ng sining

Pagkat handog niya'y ritmong may kiliti

Para sa mga pusong nahihimbing

Kumpas ng mg daliri'y wasto

Tapak ng paa'y sumasabay sa tono

Isang musikerong naglalagi sa bangketa

Araneta'y tiyak na tameme sa kanya

Brownout kasi!

Masakit na ang mga binti. Halos umusok na ang talampakan sa dalawang oras na paglalakad.

Tag! Tag! Tag!

Sige, lakad pa...

Humahangos na at halos lumawit na ang dila sa pagkauhaw. Tanging pag-asa'y isang dakila sa kaitaasan. Taas noong tumingala at sabay saludo na tila ba sundalo.

Galaw at tapak ng mga mumunting paa, sabay sa ritmo ng kapwa animo'y maliliit na langgam. Depektibong landas hindi alintana, makarating lamang sa sintang paroroonan.

Dambuhalang pader, gigibain makaalpas lamang sa pagkalugmok. Pagod at hirap, binalewala. Tapik ni Mang Juan, natatanging inspirasyon upang tumuloy.

Tag! Tag! Tag!

Sige, lakad pa...

Gasgas na ang balat. Tanging sapin sa paa'y niluto na ni Haring Araw.

Lakad, lakad.

Hindi mapapagod. Walang talab ang hirap. Sugod lang ng sugod. Nais lamang ay makamit ang pangarap.

Tayo'y maglakad

Painful to the legs. Almost smoke poured from the feet of the two hour walk.

Tag! Tag! Tag!

Go ahead, walk on ...

Humahangos and almost hang the tongue in thirst. Makes only to a great height. And at the same height on looked as though soldiers salute.

Stationary and tread of little feet, at the rhythm of both like small birds. Flawed path regardless, just to get the loves destination.

Huge walls, destroy fallen only escape. Fatigue and pain, ignored. John Mang pat, unique inspiration to continue.

Tag! Tag! Tag!

Go ahead, walk on ...

Rubbing the skin. Only bake strata foot King Day.

Walk, walk.

Not weary. No duck is hard. Just dash dash. Would only achieve this dream.