MERRY CHRISTMAS and HAPPY NEW YEAR!
Maraming pangyayari ang minsa'y atin lamang binabalewala. Marami ang walang pakiealam. Ngunit kung ating palalawakin ang ating imahinasyon, ang mga simpleng bagay sa ating buhay ay maaring mabigyan ng kulay.
ATTENTION!
Please click the ads on the RIGHT side. Thank you!
Friday, December 24, 2010
Friday, December 10, 2010
Ang Sakit-Sakit!
Parang tumigil bigla ang mundo ko . . .
Mahirap, hindi ko na alam ang nangyayari
Madalas nakatulala at tinatanong ang sarili
Bakit ba kasi ako nagkasakit?
Ang Diyos ba sa aki'y may galit?
Masakit ang ulo, lalamunan, at katawan
Kaligayahan ay tila kay hirap mahagkan
Nais ko lamang humiga at magpahinga
Pagkat lagnat at sipon ay nangunguna
Mainit ang pakiramdam
Ngunit bakit giniginaw?
Kaunting hangin ako'y nasusuklam
Sa aking kumot hindi ako makadungaw
Ang sakit-sakit!
Ligaya sa aki'y pinagkait
Pahingi naman ng tulong
Pati pagkatao ko'y ikinukulong
Ako'y nananalangin ng mataimtim
Inaasam ang pag-iwas sa dilim
Habang luha'y dahan-dahang umaagos
Marahil aking nasuway ang sampung utos
Kelan kaya magpapatuloy ang ikot ng aking mundo . . . ?
Mahirap, hindi ko na alam ang nangyayari
Madalas nakatulala at tinatanong ang sarili
Bakit ba kasi ako nagkasakit?
Ang Diyos ba sa aki'y may galit?
Masakit ang ulo, lalamunan, at katawan
Kaligayahan ay tila kay hirap mahagkan
Nais ko lamang humiga at magpahinga
Pagkat lagnat at sipon ay nangunguna
Mainit ang pakiramdam
Ngunit bakit giniginaw?
Kaunting hangin ako'y nasusuklam
Sa aking kumot hindi ako makadungaw
Ang sakit-sakit!
Ligaya sa aki'y pinagkait
Pahingi naman ng tulong
Pati pagkatao ko'y ikinukulong
Ako'y nananalangin ng mataimtim
Inaasam ang pag-iwas sa dilim
Habang luha'y dahan-dahang umaagos
Marahil aking nasuway ang sampung utos
Kelan kaya magpapatuloy ang ikot ng aking mundo . . . ?
Subscribe to:
Posts (Atom)