ATTENTION!

Please click the ads on the RIGHT side. Thank you!

Wednesday, November 24, 2010

Tsug! Tsug! "Wag mong dalhin ang gatas ng anak ko!" sabi ng babaeng inspirasyon ng akdang ito

Ayan na ang tren . . .
Masakit sa tenga, nakakabingi
Para siyang may pattern
Isang pito, nagsuguran ang mga nagmamadali

Pwede bang sumiksik?
Oo, para ngang sardinas sa sikip
Katawan mo'y dinidikdik
Mag-ingat ka at baka ka mahagip

Mainit, mabaho ang loob
Pawis ni ate tulo hanggang lapag
Amoy ng hangin parang nakulob
Patagalan kung sinong matatag

Dibdib mo'y niyuyupi
Saksi ka sa palitan ng mukha
Katawan mo'y ginugulpi
Katabi mo ikaw na mamaya

Hala, sige, pasok!
Hala, sige, baka di ka na makalabas
Ingatang ika'y di matusok
Baka damit mo maiba ang tabas

Sabi ng katabi mo,
"Wag mong dalhin ang tabas ng anak ko!"
 Ha-ha-ha, napasama na sa babaeng buntis!
Sa sobrang sikip di na makatiis



Haaay . . . Nakahinga rin sa wakas
Delubyo'y natapos ng wakas
Mag-ipon ka na ng lakas
At baka bukas ay di ka na makalabas

Tsug! Tsug! Tsug!
Paalam na sa sintang tren
Bukas na uli magpabugbog
Ingat lang baka ka masubsob

2 comments:

  1. Hehehe. Batang tren. Galeng, galeng. Ganda ng environment, nakakainggit.

    ReplyDelete
  2. haha . . ang ganda nga sobra! naglilimahid! :p

    ReplyDelete