Patak. Patak. Patak.
Ulan ay di hamak
Walang muwang na bata
Naglalaro sa kalsada
Pumapatak na naman ang ulan
Isipa'y naroon na naman sa kawalan
Malamig ang kapaligiran
Nakabaluktot sa kumot ang katawan
Madilim ang kalangitan
Walang bituin at nakatago ang buwan
Habang ang sinaing ay sinisinsinan
Nakadungaw sa may bintana
Sopas ay hain sa hapagkainan
Nang kahit kaunti'y mainitan
Nanginginag na
Nakakubli sa loob ng sisidlan
Lagaslas ng tubig na walang hanggan
Dinig ang patak sa may bubungan
Hanging malakas at nananahan
Mga puno't halama'y dinuduyan
Patak. Patak. Patak.
Ulan ay tinatahak
Ng batang walang muwang
Tanging laro lamang ang alam
ulan ang naghahatid ng mga alaala ng aking kabataan. salamat!
ReplyDeletewag kang mag-alala jun2x, tatadtarin kita ng ulan! haha
ReplyDeleteisang napakagandang tula
ReplyDeletena maibabahagi sa iba
sana'y ito ay mabasa
ng maraming madla